
Naaprubahan ng senate impeachment court ang buong 57-witness list ng prosekusyon sa pre-trial order.
Kasama na riyan ang walang record sa psa na si mary grace piattos.
Naniniwala ang prosecution panel na hindi totoong tao si mary grace piattos.
Para mag-kaalaman na, ipasa-subpoena siya ng prosekusyon sa senate impeachment court
gaya ng defense—magiging witness din ng prosecution sina ombudsman crispin remulla, nbi director melvin matibag, former senator antonio trillanes, at ang nagpakilalang bagman umano at taga-deliver ng pera ni vp sara na si ramil madriaga.
Nasunod naman ang 62 trial dates na hinihingi ng prosekusyon para ilatag ang apat na articles of impeachment laban kay vice president sara duterte.
Naaprubahan din ang order ng presentasyon niyan na inihain ng prosekusyon.
una ang ginawang pagbabanta ng bise presidente sa buhay ng pangulo, ng first lady, at ng dating house speaker – mayroong 11 trial dates ang prosekusyon para itayo ang kasong grave threats at inciting to sedition laban kay vp sara.
Pangalawa ang maanomalyang paggamit ng bise ng ovp at deped confidential funds – paglalaanan yan ng 31 trial dates para mapatunayan. Ito ang may pinaka-maraming trial dates sa lahat ng articles of impeachment.
Susundan yan ng alegasyon ng bribery at corruption sa deped noong si vp sara ang kalihim na didinggin sa loob ng 8 trial dates
at panghuli ang alegasyon ng unexplained wealth at false saln ng bise presidente na uusisain naman sa loob ng 12 trial dates
tumutol naman ang vp defense camp sa manifestation ng prosekusyon na makapagpresenta rin ng testigo ang mga private prosecutors.
Kaya nagtataka si ridon kung bakit tinututulan ng kampo ng bise.
Ginagawa naman daw talaga yan ng private prosecutors sa mga nakalipas na impeachment trial
sa july 6 magsisimula ang impeachment trial ni vice president sara duterte.
