RAIN CATCHMENT SYSTEM

Image Not Found

Siniguro ng metropolitan manila development authority na handa ang ahensya sa pagpasok ng tag-ulan. Inilunsad din ng mmda katuwang ang pasig city lgu ang isang nature-based solution project na makakatulong sa flood control sa lungsod. Popondohan ng mmda ng 20 milyon pesos ang programa para sa tatlong kilometrong nature-based projects sa c5 road.

Tatagal ng anim na buwan ang pagsasaayos ng sidewalk na magiging disenyo na rin ng mga sidewalk na ipapatayo ng mmda sa metro manila.
nagpasalamat naman si mayor vico sotto sa mmda.

Malaking tulong daw ang proyekto sa pasig city para maging accessible ang mga kalsada habang isinusulong ang mga eco-friendly projects. C5 road kasi ang nagdudugtong sa pasig city at mga kalapit na siyudad ng quezon city, makati city at taguig, maging sa probinsya ng rizal alternatibong ruta rin ito para sa mga pupunta sa ortigas at edsa.

Bukod sa mga side walk, maglulunsad pa ang mmda ng iba’t ibang nature-based masterplan sa metro manila na isang moderno at mixed-use recreational spaces.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top